"Kumain ka nang kumain, ha? Dapat hindi ka magpagutom, okay?" Nginitian ni Saia ang kanyang anak pagkasubo niya rito. Abot-tenga ang naging ngiti ni Naddie at nag-giggle pa. "Mama, ang sharap nito! Sino nagluto, ikaw po?" tanong pa nito. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad na sumulpot ang pinsan niyang mahadera. "Ay diyan ka mali, pamangks! Si Tita Rose mo ang nagluto!" sabi pa nito at saka nag-pose pa. Natawa si Naddie. Napailing at napairap na lang si Saia. Sinubuan niya ulit ang anak. Nakita niya naman si Rose na kumuha ng isang stool at itinabi iyon sa kanya. Umupo ito roon at hinarap si Naddie. Napabuntong-hininga na lang siya nang makita ang nakangiting mukha ni Naddie habang nilalaro ni Rose ang isang barbie nito. Wala ang nanay niya at siya ang nakatokang magba