Chapter 40

1621 Words

"Sai, dito na tayo." Nabalik lang sa wisyo si Saia nang tapikin siya ni Rose sa balikat. Doon niya napansing nakahinto na rin pala ang sinasakyan nilang tricycle. Unang lumabas si Rose tapos ay sumunod din naman siya. Walang tao sa bahay nila dahil nasa hospital pa ang kanyang nanay at binabantayan si Naddie. Pabagsak siyang umupo sa kanilang upuan pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay. Tumabi si Rose sa kanya at bumuntong-hininga. Naramdaman niya ang pagtingin ng kanyang pinsan sa kanya. "Uhm pinaalis ko na kanina yung…lalaki." Tiningnan niya si Rose. Naka-kagat-labi ang kanyang pinsan habang nakatingin sa kanya. Tanging marahang pagtango lamang ang kanyang isinagot dito. Hindi na ulit sila nagsalita pa. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa kanila. "Uhm, insan, ako n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD