Chapter 26

2181 Words

“’PAG ’DI PA kayo lumabas d’yan, bubuksan ko na ’tong pinto!” banta pa ni Ezekiel na natatawa kaya siya na ang sumagot. “Palabas na si Kent!” sabi niya na nakatitig pa rin sa binatang nasa ibabaw niya. “Sige na, lumabas ka na. Baka magising pa si Astin sa ingay niya. Magbibihis lang ako,” natatawang sabi niya. Hinalikan muna siya nito bago umalis sa ibabaw niya. Akala niya ay lumabas na ang binata, iyon pala ay pinapanuod siya nitong magbihis. Nakangisi ito nang malingunan niya, kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. Summer dress ang ipinalit niya at isinuot ulit ang coat na ginamit kanina. Paglabas nila ay wala na si Zyqe. Napatingin siya sa babaeng lumabas ng kuwarto ni Astin. Si Dana pala. Tumingin ito sa kanila at ngumiti. Binati muna nito si Kent na nagpatiuna saka pumasok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD