Chapter 27

2196 Words

BIGLA NIYANG HINILA ang kumot at nagtalukbong na lang. Para siyang teenager na nahihiyang makita ng crush sa lagay niya. Naiinis tuloy siya sa sarili, parang gusto niyang umurong na lang. Ang lakas ng loob niya kanina. Ngayon, ano? “Babe, what’s wrong?” narinig niyang tanong ng binata at pilit na tinatanggal ang kumot. Mahigpit na hinawakan niya ang kumot para hindi nito makuha, pero lalaki talaga ito. Ayon, hinila na naman nito ang kumot. “Babe, please! Huwag mong sasabihing iiwan mo ako sa ere. Damn! Hindi ako makakapayag!” Natahimik ito bigla nang mga sumunod na sandali, kaya sumilip siya sa binatang nakaupo na. Napangiti ito kaya itatalukbong niya sana ang kumot nang hilahin nito iyon at itinapon sa kung saan. “Got ya!” nakangising sabi nito at mabilis na umibabaw sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD