38 NAGISING si Georgia na wala na si Vladimmir sa kanyang tabi. Naiintindihan naman ng dalaga iyon lalo pa't wala naman silang label. Subalit umaasa ang dalaga sa pangako ni Keandrix kagabi. Umaasa ang kanyang puso at isipan at nagdarasal na sana nga kakaibang magmahal si Keandrix. Matamis ang ngiti ni Georgia nang matapunan niya ng kanyang tingin ang kama na siyang saksi ng kanilang ulayawan ni Keandrix kagabi. Naudlot ang day dreaming ni Georgia nang may biglang kumatok sa pinto. Inayos niya ang kanyang sarili bago nito binuksan ang pinto. "Akala ko hindi ka pa gising, good morning!" nakangiting mukha ni Keandrix ang siyang bumuluga kay Georgia. Napasikdo naman ang puso ni Georgia para siyang hindi makahinga dahil sa pagkataranta at pagkabog niyon. "Ahmmm..k- kagigising ko lang! Good