HINDI pa rin makapaniwala si Georgia na silang dalawa na nga ni Keandrix. Feeling niya kasi ay nananaginip lamang siya. Kagabi nga ay nagising pa itong katabi na niya ang binata. Kapag mag- uumaga naman na ay lumilipat na ito sa sariling kwarto. Saka sila nagkakahiyaan kapag umaga na tanging ang kanilang mga mata lang ang nag-uusap. At ang kanilang mga labing nagkakangitian na minsan kinikindatan ni Keandrix ang dalaga. Bagay na ikinatatawa ni Georgia nang palihim kasabay ng kanyang pag- iling. "Hay naku, Georgia! Inlababu ka yata at parang kay layo ng iyong iniisip!" boses ni Arthur ang siyang umuntag sa dalaga. "Ha? May sinasabi ka ba?" gulat na sagot ng dalaga. Napapalatak naman si Arthur dahil kitang-kita niya kung papaano namula ang pisngi ni Georgia. "Sabi ko can you tidy those e