"Georgia, ipinapatawag ka ni big boss!" sabi ni Harlene isa sa staff ng banking finance na siyang sumungaw bigla sa may pinto ng kinaroroonan ng dalaga. "Ha? Bakit daw?" sagot na tanong ni Georgia habang natigil ang kamay nito sa pag-aayos ng mga papeles na iniwan ni Arthur. "Hindi ko alam, ang sabi urgent daw!" kibit-balikat na turan ni Harlene. "Sige, thank you!" napipilitang ngiti ni Georgia at muling inayos ang hawak na papel. Humugot ito nang malalim na hininga saka lumabas ng room. Tinungo niya ang elevator at pinindot ang floor na kinaroroonan ng opisina ni Keandrix. Wala soyang idea kung ano ba ang sasabihin sa kanya ng binata. Maaaring ang kanyang pahapyaw na sinabi kagabi sa binata ang dahilan. Iyon lamang ang kanyang naiisip na may kinalaman sa pagtawag ng binata sa kanya as