IINIMBITAHAN ni Lexie si Georgia sa isang restaurant. Ayaw sana ng dalaga subalit sabi naman ni Keandrix ay pumayag na siya upang walang masabi ang asawa ni Nicholai. Nagtataka man ang dalaga kung ano ba ang kailangan sa kanya ni Lexie ay inihanda na lamang niya ang kanyang sarili. Mahirap na at baka mamaya ay sagpangin na lamang siya nito. Umaasa na lamang si Georgia na tungkol sa trabaho ang siyang pag-uusapan nilang dalawa. Sa isang mamahaling restaurant sila nagkita. Pagdating ni Georgia ay naroon na si Lexie biglanring nakadama ng panliliit sa kanyang sarili ang dalaga dahil sa ayos ni Lexie. Marami itong suot na alahas at alam mong VIP ito kahit sa isang tingin lamang. Subalit ipinag- walang bahala na lamang iyon ni Georgia sapagkat hindi naman siya naroon upang makipagtalbugan kun