KAGAYA ng sinabi ni Keandrix ay natulog nga ito sa apartment ni Georgia. Limang araw na ang nakakalipas buhat ng lumipat ang dalaga roon upang mapangalagaan ang magandang image ng binata sa lahat ng mga matang mainit na nakatunghay sa kanilang dalawa. Kaya labis na natuwa ang binata sapagkat talagang maaasahan si Georgia sa lahat ng bagay maging sa personal life nilang dalawa. Kumbinsido na si Keandrix na mahal nga siya ni Georgia at tuluyan na nitong nakalimutan si Nicholai. Nakahinga na nang maluwag si Keandrix sapagkat dama niyang siya na ang mahal ng dalaga. Tuluyan nang nalimutan ni Georgia ang unang pag-ibig nito na siyang nakasira sa kanyang buhay. Kaya naman mas lalong minahal ni Keandrix si Georgia at ipinangako sa kanyang sarili na hinding-hindi niya ito sasaktan at pagdududahan.