PINAHID ni Georgia ang kanyang mga luha nang nasa kalawakan na ang private Airplane na sinakyan ni Keandrix. Naiiyak si Georgia na hindi niya mawari dahil siguro sa talagang nasanay na siyang kasa-kasama niya parati ang binata. Ngayon lang ulit sila nagkahiwalay sa ilang buwang kanilang magkasama sa lahat ng oras at mga lakad. Medyo naudlot lang ng kaunti dahil sa bangayang nangyari sa pagitan nila ni Beverly. Na balita niya ay unti-unti nang naiisip ng dalaga ang nagawa nitong pagkakamali. Marahil ay nabulag si Beverly nang kanyang kaunting pag-angat sa buhay kung kaya't yumabang ito na para bang hindi mababawi sa kanya ang tinatamasa nitong tagumpay at karangyaan. Na ngayon ay isang bagsakan na lamang siya sa lupa at naging isang mababang uri ng isang empleyado. Marahil nagsisisi na si B