SADYANG determinado si Georgia na magpagaling kung kaya't lahat na ng mga instructions ng mga Doktor ay kanya nitong sinusunod. Na labis namang ikinasaya ni Keandrix dahil bawas na iyon sa kanyang konsensiya. Subalit alam naman niya sa kanyang sarili na talagang gusto niyang tulungan ang dalaga. Medyo natamaan kasi ang isang binti ni Georgia kung kaya't sa pagbangon nito ng dahan-dahan ay kailangan pang alalayan. Sa pagkaka- comatose niya kasi ay namanhid pa ang ibang parte ng katawan nito. Kung kaya't under massage therapy din ang dalaga. Kapag kaya na nitong bumangon mag-isa at tumayo may nakahanda na itong saklay na siyang gagamitin muna niya sa paglalakad. Hanggang sa tuluyang gumaling ang isang binti nito at makapaglakad na ng normal.
"Sana hindi napuruhan ang isa kong binti." wika ng dalaga.
"So far ayon naman sa mga doktor, hindi naman masyadong napuruhan and I'm sorry for that." Sagot ni Keandrix.
Weekends kasi kaya napasyalan niya ang dalaga.
"Huwag kang mag- sorry sa akin! Ako nga itong hihingi sana ng sorry dahil sa katangahan ko nadamay ka tuloy!" Turan ni Georgia.
Natawa naman si Keandrix.
"Okay, mabuti pa huwag na tayong magsisihan at pag-usapan ang mga nangyari. Bagong chapter na lang ng iyong buhay ang siyang ating pag-usapan." Ani nito.
Natawa rin naman si Georgia.
"Ano namang bagong ganap sa buhay ko maliban sa katangahan ko." Sabi ng dalaga.
"Huwag mong sabihin iyan! Ang pagkagising mo galing sa comatose ay isa ng panibagong chapter ng buhay mo. Kasi nga natalo mo si kamatayan, at ngayon ay nagpapagaling ka na." Wika ni Keandrix.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil natalo ko si kamatayan. Mahinang nilalang lang ako, sobrang apektado sa mga nangyari. Pero noong marinig ko ang nangyari sa'yo, parang hindi ko deserve na magkaganito. Kaya susubukan kong bumangon, kahit ang totoo lugmok na lugmok ako." Malungkot na turan ni Georgia.
Namula naman ang pisngi ni Keandrix at naalala ang kabulastugan ni Iñigo. Nakagat na lamang ni Keandrix ang kanyang ibabang labi, wala na siyang magagawa kundi ang sakyan ang alam ng dalaga.
"Mahirap lang sa una pero makakabangon ka rin. Huwag ka ng tumingin sa nakaraan kundi magpokus ka sa iyong hinaharap." Sagot ni Keandrix.
"Salamat talaga! Kahit hindi mo ako kaanu- ano ay tinulungan mo pa rin ako." Tugon ng dalaga.
"Wala sa akin iyon! Nabangga kita kaya responsibilidad kong maipagamot ka. Isang karangalan ang pagtulong sa iyong kapwa ng walang hinihinging kabayaran." Saad ni Keandrix.
Kiming ngumiti si Georgia, naisip nitong ang tanga ng babaeng nanloko sa binata. Kung tutuusin, wala ng mahihiling pa ang isang babaeng iibig sa binatang tumulong sa kanya. Kaya lang, nasabihan na rin siya ng tanga noon maraming beses na nga. Lalo na sa mga taong nakakaalam sa tunay na estado nila ni Nicholai. Pero tinanggap niya at wala siyang pakialam basta ang alam niyang lang noon ay mahal na mahal niya si Nicholai. Si Nicholai ang kanyang buhay wala nang iba pa at alam iyon ng kanyang matalik na kaibigan. Ngunit napakasakit para sa kanya na matuklasang sina Chona at Nicholai pala ay mayroon ding relasyon. Parang paulit-ulit siyang pinatay nang malaman niya iyon. Hindi napigilan ni Georgia ang kanyang hikbi
"Are you okay?" nag- aalalang tanong ni Keandrix.
Umiling si Georgia saka ito huminga nang malalim. Pinunasan niya ang kanyang luha at inayos ang kanyang mukha.
"Hindi ko lang mapigilan ang aking luha sa tuwing naaalala ko ang huling eksena na siyang nagpaguho ng aking mundo." Mahinang sabi ng dalaga.
"Kung anuman iyon ayokong magtanong saka na lang siguro kapag naghilom na ang sugat sa iyong puso. Time will heal your broken heart, fix it and help yourself." Payo ni Keandrix.
"Ang sakit lang kasi iyong kaisa- isang taong pinagkatiwalaan ko ng lahat-lahat ay tatraydurin din pala niya ako. Na halos hindi ko kayang tanggapin, namanhid ang buong katawan ko nang araw na iyon. Nawala ako sa aking sarili kaya siguro tumawid na lang ako basta sa may kalsada at nabangga mo naman ako. Alam kong masyado pang maaga upang magpasalamat ako sa lahat ng ginawa mo para sa akin pero thank you pa rin. Dahil inilayo mo muna ako sa lugar kubg saan ako nadurog nang husto. Tama ka kailangan kong muling hanapin ang aking sarili at muling buuin ang aking puso. Para na rin sa aking mas magandang kinabukasan balang araw." Pahayag ni Georgia.
"That's right, Georgia! It's not the end of the world, isipin mo na lang may mas magandang plano ang Diyos sa'yo kaya nangyari ang mga iyon. Much better now, nalaman mo na ang buong katotohanan kaysa habang buhay kang niloloko ng mga taong nanakit sa'yo." saad ng binata.
Tumango si Georgia sabay agos ng kanyang mga luha. Tama nga naman si Keandrix, nagpapakasaya siya bilang isang kabit na nagpapasaklolo sa kanyang matalik na kaibigan. Iyon naman pala'y isa rin ito sa babae ng lalaking nagpakatangahan niya. Hindi niya alam kung bakit may mga babaeng kagaya niyang nagpakatanga sa ngalan ng pag-ibig. Pag-ibig nga ba ang kanyang tunay na nararamdaman kay Nicholai o obsession dahil nasanay na siyang ito ang kanyang kasa-kasama mula pa noon. Kasi kung babalikan niya ang nakaraan kung paano naging sila ni Nicholai ay siya talaga ang nag-effort sa lahat ng kung anong mayroon sila. Tanga na nga siya, martir pa to the point na hindi pa sila mag-asawa. The hidden girlfriend na naging hidden mistress tapos naging kasosyo sa isang lalaki ng bestfriend niyang si Chona. Kaya sino ba naman ang hindi mababaliw sa sakit na naidulot sa kanyang puso at buong buhay niya. Siguro ganoon din ang gagawin ng ibang makakaranas sa kanyang naranasan, ang mas nanaisin pa nilang mamatay na lamang kaysa mabuhay. Dahil para na rin siyang namatay kahit humihinga pa siya dahil sa mga nangyari sa kanya.
"You have to rest now, bukas ulit. At huwag na huwag mong iisipin ang mga nangyari na. Dahil mati- triggered na naman ang iyong nervous breakdown. Mapipilitan na naman ang mga Doktor na turukan ka ng pampakalma." Pahayag ni Keandrix.
"Papayag akong turukan ng pampakalma upang makalimutan ko ang mga nangyari. At para makatulog ako ng walang mga iniisip. Sasabihin ko na lang sa inyo kung ayaw ko nang maturukan ng pampakalma." Maalumanay na sagot ni Georgia.
Napatitig si Keandrix sa maamong mukha ng dalaga. Mas nakadama na naman ito ng awa lalo na sa mga mata nitong kay lungkot tingnan.
"Pero maaaring may side effects sa'yo ang palaging natuturukan ng pampakalma." Wika na lamang ng binata.
Mapait na ngumiti si Georgia.
"Sana ang side effects niya ay ang pampamanhid ng puso masisiyahan ako." Tugon nito.
Napabuga nang hangin si Keandrix. Nakakagalit talaga ang mga taong gumawa noon kay Georgia hindi man sa kanya literal nangyari iyon subalit dama niya ang sakit. At hindi niya alam kung bakit parang wala lang ang mga nangyari para kay Nicholai. Samantalang pinakinabangan din niya ang dalaga noong nagpapakasasa ito ng sarap kay Georgia.
"Okay, tatawagin ko lang si Dok!" walang nagawa si Keandrix kundi ang pumayag na lamang.
Tango lang ang sagot ni Georgia. Mabigat ang loob ni Keandrix na tumalikod papalabas ng kinaroroonan ni Georgia. Nagtagis ang kanyang mga bagang at mga ngipin. Sinenyasan niya si Tommy upang tawagin ang Doktor. Ayaw niyang makitang muling tuturukan si Georgia ng pampakalma. Apektado siya dahil babae si Georgia, mahina at malambot ang puso. May kapatid siyang babae at may ina rin siya kaya he understands what women feels. Kung maaari ayaw niyang nakakakita ng babaeng umiiyak at nahihirapan. Mabait siya oo, kaya nga ayaw niyang nakakakita ng babaeng nasasaktan dahil kumukulo ang kanyang dugo. Gusto niyang saktan ang mga taong gumawa noon kay Georgia subalit wala siyang karapatan. Hindi sila magkaano- ano at mas lalong wala silang relasyon. Kaya gusto niya itong tulungang makabangon para naman makahinga na rin si Keandrix nang maluwag. Magiging masaya siya kung may isang tao na naman ang nabigyan niya ng paninagong buhay at pag-asa upang mas maging matatag sa anumang hamon ng buhay na darating balang araw.