C-10: Getting better?

1433 Words
ITO ang araw ng discharge ni Georgia sa hospital. May saklay nga lang muna siya para mabalanse niya ang kanyang paglakad. Hindi na rin nito kailangan ng aalalay sa kanya sa tuwing lalakad siya at may pupuntahan. Masasabing mabilis ang paggaling ng dalaga sa tulong nina Keandrix at Iñigo maging ang mga Doktor. Talagang mabibisang mga gamot ang ibinigay kay Georgia para sa mas mabilis nitong paggaling. Masayang nagpaalam at nagpasalamat si Georgia sa mga mababait na staff ng hospital maging ang kanyang mga Doktor. "Parang nakakahiya namang umuwi sa inyo!" kiming sabi ni Georgia nang lulan na sila ng sasakyan. "It's okay! Katunayan nga, hinihintay na tayo nina Mama. Sinabi ko nang ngayong araw ang labas mo ng hospital." Sagot naman ni Keandrix. "Huwag kang mahiya Georgia, dahil kung gaano kabait si Keandrix ay masa mabait ang kanyang mga magulang!" susog naman ni Iñigo. "Kahit na, nakakahiya pa rin. Parang sobra na ang naibigay na tulong sa akin ni Keandrix." Giit ng dalaga. "Wala sa akin iyon, Georgia! Ang sumunod ka sa akin nang walang pag-aalinlangan ay sapat ng kabayaran sa pagtulong ko sa'yo!" Ani naman ni Keandrix. "Talaga?" namimilog pa ang mga mata ni Georgia. Natawa naman sina Keandrix at Iñigo. "Ang cute mo eh! Napapaisip tuloy ako kung bakit pinagpalit ka ng mokong mong boyfriend!" sabi ni Iñigo na huli nang mapagtanto nito ang sinabi dahil siniko ito ni Keandrix ng palihim. "Sorry!" mahinang paumanhin ni Iñigo kapagkuwan dahil kita namang natigilan si Georgia sa kanyang sinabi. "Okay lang! Alam ko namang kahit hindi ako magkwento nang lubusan ay nauunawaan na ninyo ang mga nangyari." Mahinang tugon ni Georgia. "Forget it! May sorpresa nga ang aking parents eh, kaya be ready!" singit naman ni Keandrix. "Ha? Bakit may sorpresa sila?" gulat na namang bulalas ni Georgia. "May surprise sila sa'yo kasi nakalabas ka na ng hospital. And, dahil nagpakabait ka during your medication!" saad ni Keandrix. "Naku! Mas lalo akong nakadama ng hiya!" namumula na ang pisngi ng dalaga. "Don't be! Kung saan ako masaya suportado ako ng aking pamilya." Sabi ni Keandrix. "Wow naman! Nakakainggit ang inyong pamilya hindi kagaya ko na pinalaki lang ako ng aking Lolo at Lola. Walang nakagisnang mga magulang kasi nga maagang nagkahiwalay!" pahayag ni Georgia. Sina Iñigo naman at Keandrix ang natahimik at lihim na nagkatinginan. Mas lalo na namang nakadama si Keandrix ng awa para sa dalaga. Mapait na nga ang childhood memories nito, ay mas mapait pa rin ang naging love life. Kasaklap para sa babaeng walang hinangad kundi magmahal ng lubusan sa taong mahalaga sa kanyang buhay. "Ganoon talaga ang pamilya ni boss Georgia, mas hangad nila ang kaligayahan ng kanilang mga anak." Si Iñigo na ang bumasag sa sandaling katahimikan nila. Para naman mawala ang awkward moment na kanilang nararamdaman. Tumango- tango naman si Georgia habang nakapagkit ang ngiti sa labi nito. Subalit makikita mo namang malungkot ang mga mata nito. Nakangiti nga ang labi ng dalaga subalit hindi naman nakiki- ayon ang mga mata nito. Bagay na naiintindihan ni Keandrix, mahirap ang nakakulong sa mundo ng kalungkutan. Matapang lang ang siyang nakakaligtas sa kalungkutang bumabalot sa puso ng isang nilalang. Maya-maya pa'y nakarating na sila sa malaking bahay na labis ikinamangha ni Georgia. "Ang ganda! Hindi pa rin ako makapaniwalang andito nga ako sa San Francisco!" namamanghang bulalas ni Georgia nang makalabas na ito mula sa loob ng sasakyan. "I'm glad you like my parents house!" masayang sagot ni Keandrix. "Parang iyong mga napapanood ko lang, magandang bahay at very peaceful!" wika ni Georgia. "Mas mamangha ka sa loob kapag nakapasok na tayo!" sagot naman ni Keandrix. Lihim namang nakadama ng excitement si Georgia kahit nakakahiya sana. Nagpatinaod na lamang ang dalaga nang alalayan ito ni Keandrix papasok sa loob ng malaking bahay. Bawat madaanan nilang mga guwardiya o mga katulong ay masayang binabati sina Keandrix sa kanilang pagdating. Pagbukas ng maindoor ay siya namang pagputok ng mga lobo at praps sa taas. Gulat na gulat si Georgia, para bang may okasyon ang malaking bahay. "Welcome home, Georgia!" sabay-sabay na sabi ng lahat sabay palakpak. Natutop ni Georgia ang kanyang bibig, naisip niyang iyon pala ang sinasabi ni Keandrix na isang surprised sa kanya. Ginawan pala siya ng welcome party, hindi bongga subalit nakaka- touched lalo na ang effort ng mga magulang ng binata. Hanggang sa natagpuan na lamang ni Georgia na umiiyak na siya sa kasiyahan. At may cake pa sa kanyang harapan nakahanda na ngang mahipan. Kahit umiiyak ay nahipan naman iyon ng dalaga sabay bigkas ng maraming salamat. Nilapitan naman ng Mama ni Keandrix si Georgia at niyakap ito. "Welcome home, iha!" wika ng Ginang sabay haplos sa likod ng dalaga. "Maraming salamat po!" gargal ang boses ni Georgia. Totoong na- touched si Georgia sa ginawa ng pamilya ni Keandrix. Wala siyang masabi kundi ang walang katapusang pasasalamat sa kanilang lahat. "Huwag ka sanang mahihiya sa amin dito. Dahil lahat ay welcome na maging parte ng aming pamilya." Muling sabi ng Ginang. Tango lamang ang naisagot ni Georgia dahil nahihiya naman talaga siya. Napalingon siya kay Keandrix na nakangiti ring nakatingin sa kanila ng Mama nito. Bumigkas si Georgia ng thank you kahit hindi nito nilakasan ay sapat na upang maintindihan ng binata ang kanyang sinabi. Naintindihan naman yata ni Keandrix ang sinabi ni Georgia dahil nag- thumbs up pa nga ang binata. Ngumiti naman si Georgia at muling tumingin sa Mama ni Keandrix. Inakay siya ng Ginang upang maupo at ng mahiwa nito ang cake na inihanda para kay Georgia. Walang bisita kundi sila- sila rin lang naman kung kaya't kinalimutan muna ni Georgia ang kanyang nadaramang hiya. Ipinagpalagay niya ang kanyang loob sa pamilya ni Keandrix dahil sa warm greetings nila sa kanya. Kahit papaano ay naibsan naman ang lungkot na nararamdaman ng dalaga sa mga sandaling iyon. "Masaya ka ba sa inihanda naming sorpresa para sa'yo?" tanong ni Keandrix kay Georgia nang mabigyan silang muli ng pagkakataon na magkalapit. "Nakakahiya pero honestly, masaya ako! Parang pakiramdam ko, masaya ako ngayon kasi lunok ang pamilya ko." Matapat na sagot ni Georgia. "Okay naman kung napasaya ka pala namin. Iyon naman talaga ang hangad ni Mama lalo na ako. At sana, nawala na ang nararamdaman mong hiya na makitungo sa amin. Feel at home dahil saka lamang tayo babalik sa Pilipinas kapag ka magaling ka na nang husto." Saad ni Keandrix. "Salamat talaga! Wala akong masabi kundi salamat sa inyong lahat! At kung kakailanganin mo rin ang aking tulong someday huwag kang mag- atubiling sabihan ako." Turan ng dalaga. "Ofcourse naman! Basta, magpokus ka muna sa pagpapagaling okay?" wika ng binata. Masayang tumango si Georgia. Napangiti naman si Keandrix na nakatunghay sa dalaga. Dahil nakikita nitong medyo nawala ang lungkot sa mga mata nito hindi kagaya sa mga nagdaang araw. Napausal si Keandrix na sana ay tuloy-tuloy na ang paggaling at pagiging masayahin ni Georgia. Dahil kapag nangyari iyon, oras na rin upang bumalik sila sa Pilipinas. Tapos na ang sadya ni Keandrix sa San Francisco, mas matututukan na niya si Georgia sa pagpapagaling nito nang tuluyan. Puwede naman na daw iyon sabi ng mga Doktor ng dalaga. Twice a month na lamang ito magpapa- check up for further information about sa monitoring recovery ng dalaga. Maya-maya pa'y inakay na ni Keandrix si Georgia patungo sa magiging kwarto nito. Nagpaalam muna sila sa mga magulang mg binata, nauna na rin ang mga gamit ng dalaga sa kwarto nito. "Here's your room, magkatabi tayo para in case may emergency or may kailangan ka mas mabilis akong darating." Saad ni Keandrix ng pumasok na sila sa isang kwarto. "Ang ganda naman!" bulalas ng dalaga habang ipinalibot nito ang kanyang paningin. "Ofcourse! Gusto ko, kumportable kang tumira rito sa bahay!" tugon ng binata. "No need naman na sana! Sanay kaya ako sa hindi magarbong tahanan. Basta ba palagay ang loob ko, sapat na iyon!" wika ng dalaga. "Bisita kita kaya I want to give the best that I can for you! Paano, magpahinga ka na muna at magkikita tayo ulit mamaya!" turan ni Keandrix. "Okay! Thank you again!" tugon ng dalaga. "Kapag may kailangan ka, heto ang selpon naka- phone book na rin ang aking contact number maging kay Iñigo. Tawagan mo lang ako at darating ako agad!" Sabi ng binata. Masiglang tumango si Georgia, at muling nagpasalamat kay Keandrix. Masaya namang tumugon si Keandrix hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng silid. Marahan namang nahiga si Georgia sa may malawak na kama, kasya yata ng apat na tao. Napatitig siya sa kisame ng ilang minuto, hanggang sa unti-unti na siyang hinila ng antok pabulusok sa kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD