HALOS umusok ang ilong ni Keandrix sa sinabi ni Iñigo nang ma- track nila kung nasaan ang location ng selpon ni Georgia. But at the same time ay kumukulo rin ang dugo nito at parang gusto nitong manuntok ng pagkalakas. "That asshole!" ngitngit na wika ni Keandrix saka nito binilinan ang kanyang mga tauhan. Nagpaalam ang binata sa kanyang mga co- businessman at nagdahilan na lamang ang binata na may pupuntahan itong isang emergency situation. Na naintindihan naman ng mga board of directors maging ang mga investors. Mabibilis ang mga kilos nina Keandrix upang mapuntahan ang kinaroroonan ni Georgia. Biglang bumundol sa dibdib ni Keandrix ang kaba na nausal nitong sana ay nasa mabuting kalagayan pa rin ang dalaga hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan nito. Makakatikim talaga sa kanya s