BINILISAN ni Georgia ang kanyang mga hakbang dahil napansin niyang tila sinusundan siya ni Nicholai. Hindi niya agad napansin kanina pagkapasok niya ng Department store. Huli na nang subukan niyang umatras at umiwas sa binata. Marami namang tao sa Mall kung kaya't malakas ang loob ni Georgia kahit na maabutan siya ni Nicholai. Dangan lamang ay ayaw niya sanang muling makausap ito sa araw na iyon. Nagmamadali kasi siya dahi may ipinabili si Keandrix sa kanya na kanilang gagamitin sa project plan na kanilang inaayos. Paliko na sana si Georgia nang may tatlong mga lalaki ang humarang sa kanyang daraanan. "Sino kayo?" lakas- loob na tanong ni Georgia. "Gusto ka lang kausapin ng amo namin!" Sagot ng mas matangkad na lalaki. "Sorry pero hindi ako nakikipag-usap sa taong ayaw magpakita!" matar