C-67: Nakarating din sa wakas

2112 Words

PANAY ang mga piping dasal ni Georgia habang nakaupo siya sa waiting are. Abg driver na lamang ang siyang nagpa- book ng kanyang flight kung may bakante pa papuntang San Francisco. Nakabihis na rin siya dahil sumaglit sila sa nadaanan nilang Mall. As in parang kidlat ang bawat kilos nila papuntang airport. Natawag na lahat ni Georgia ang mga santo lalo na ang Panginoon na pahintulutan siyang makaalis ng Pilipinas ngayong gabi. Dahil kung matatagpuan siya ni Nicholai malamang ay hindi na siya nito ibabalik sa hospital. Baka ikulong na siya sa ibang lugar kung saan malayo sa kabihasnan. Noon lamang nadama ni Georgia ang pagkahapo nang kanyang katawan. Nanginginig na rin siya at sobrang nanghihina. Naalala niya ang binili nilang gamot kanina at ilang makakain na sinaglit nila sa may Dim sum.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD