SA wakas ay nakarating na rin sina Kyle at Kristoff sa Pilipinas. Sobrang nag- aalala sila sa kinahaharap na problema ngayin ang bunsong kapatid nila na lalaki. Bibihirang magsabi iyon ng kanyang problema. Kaya naman todo suporta ang mga ito sa kanilang kapatid. Na lingid sa kaalaman ng kanilang ina dahil tiyak mag- aalala iyon ng bonggang-bongga. Baka himatayin pa ito sa pag-aalala lalo pa't may alta presyon itong iniinda. Bawal ma- stress ang matanda at bawal itong magproblema nang mga malala. "Kumusta na ang usad ng problema mo?" agad na tanong ni Kyle kay Keandrix nang makauwi ito. Kanina pang umaga dumating ang magkapatid subalit hindi nila nadatnan si Kean dahil may pinuntahan daw silang dalawa ng family Attorney. "Nakapagsampa na ako ng reklamo laban kay Nicholai." Sagot ni Kean