KAUSAP ni Keandrix ang abogado ng kanilang pamilya. Ayaw niyang maupo na lamang at hahayaan niyang si Nicholai ang siyang nagpapasya sa buhay ni Georgia. Siya ang kasintahan nito kaya marapat lamang na siya ang mag-aalaga at magpapagamot sa dalaga. Kahit magkaubusan na sila ng yaman ni Nicholai mabawi lamang niya si Georgia mula rito. "Maipapanalo natin ang kaso kung mayroon tayong matatawag na witness. Iyong naroon mismo sa lugar kung saan nangyari ang lahat or kung may nakausap muna si Georgia na isang tao bago ito nagpunta sa tagpuan nila ni Lexie." Paliwanag ng Abogado. Nag-isip naman saglit si Keandrix. Bigla niyang naalala si Maxine, nakakatiyak siyang nakausap ito ni Georgia bago nakipagkita ang dalaga kay Lexie. Kung kaya't sinenyasan niya si Iñigo na nasa malapit lamang. "Bakit