BISITA ni Maxine si Nicholai nang umagang iyon. Nagulat ang dalaga sa biglang pagsulpot ng dati niyang amo. Dahilsa hinaba- haba ng kanhang pagtatrabaho noon sa kumpanya nina Nicholai ay ni hindi man lang bumisita ang lalaki sa bahay ng mga empleyado nito. Na okay lang para kay Maxine noon, hindi naman niya hinahangad iyon na mangyari. Isa lamang silang hamak na ordinaryong empleyado ng kanilang kumpanya. "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Sir Nicholai?" tanong ni Maxine. Nagpakawala naman ng buntonghininga si Nicholai bago ito sumagot sa dalaga. "Maxine, narito ako upang kausapin ka ng masinsinan tungkol kay Georgia." Sagot nito. "Kumusta na po siya? Puwede ko ba siyang madalaw kasi po nag- aalala na ako sa kanya." Sabik na wika ng dalaga. "Makikita at madadalaw mo siya, Maxine pe