PAGKATAPOS ng isang gabing nag- enjoy sina Georgia nang husto ay nagpasya na siyang umuwi sa kanyang apartment. Baka kasi masundan na naman ang pagku- krus ng kanilang landas ni Chona. At hindi niya iyon hinihiling at mas lalong hindi niya iyon gustong mangyari pa. Para sa kanya ay tama na ang dalawang beses nilang pagkikita at pag-uusap. Sa madaling salita, it's end there period at wala ng kasunod. "Anong sabi mo?" gulat na tanong ni Maxine nang makausap ito ni Georgia. "Sabi ko babalik na ako sa apartment, uuwi na ako. Kung ayaw niyo pang umuwi, okay lang naman sa akin. Sa tingin ko kasi okay na iyong apat na araw sa pagliliwaliw ko." Paliwanag ni Georgia. Bumuntonhininga naman si Maxine saka hinawakan ang kamay ng dalaga. "May kinalaman ba ito doon sa pagtatagpo ng mga landas niyo n