KINABUKASAN. Maagang nagising si Georgia dahil bibisita siya sa Mansiyon nina Keandrix. Tutupad pa rin siya sa kanyang pangako sa binata na papasyal siya roon isang araw. Magaan at masaya ang bungad ng umaga para kay Georgia. Nalimutan niya rin ang nangyari kagabi dahil wala naman na talaga itong pakialam kay Nicholai. Ayaw niyang magkaroon nang lamat ang relasyon nila ni Keandrix. Iingatan niya at aalagaan ang relationship nilang dalawa sa abot ng kanyang makakaya. Dahil baka hindi na niya kayanin pa kapag muling nangyari ang napagdaanan niya noon na sobrang kay hirap. Nagkape lang naman si Georgia at naligo na ito upang makagayak na siya. Sandali lang silang nag- usap kagabi ni Keandrix via video call dahil pagod din ang binata. Na naiintindihan naman ni Georgia dahil nga talagang alam n