C-63: Tensyon

1772 Words

NAPATUWID ng upo si Keandrix nang marinig ang sinabi ng kausap nito sa phone. "What did you say?" tanong nito. "Gising na raw po si Georgia ayon sa source ko sa loob ng hospital." Sagot naman ng kausap nito sa phone. Napatulala si Keandrix dahi hindi ito makapaniwala. Magkakahalo ang kanyang mga nararamdaman subalit mas nangibabaw ang kanyang pagkasabik na makita si Georgia. "I will be there in a minute!" sabi ng binata kapagkuwan. "Pero, boss baka hindi tayo makapasok!" wika naman ng kausap nito. "Papasok tayo sa kahit anong paraan. At walang makakapigil sa akin this time." Madiing turan ng binata. "Sige boss, hihintayin ka namin rito." Sang-ayon na lamang ng kausap ng binata. Walang iba kundi ang kanyang private investigator. Lahat ng kanyang mga galamay ay naka-stand by lamang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD