TULIRO ANG mga mukha ng mga taga- pagbantay ni Georgia. Nang walang anu-ano ay biglang dumating si Nicholai sa eksena. "Nakakalimot yata kayong lahat na trespassing kayo sa aking property." Wika ni Nicholai habang lumalapit sa kanilang lahat. Bigla namang nabuhayan nang loob ang mga tauhan ni Nicholai na kamuntikan nang ibaba ang kanilang mga sandata. "Hayaan mong makausap ko si Georgia saka mo sabihing trespassing kaming lahat." Matapang din na sagot ni Keandrix. Natawa naman si Nicholai. "Ano ang gagawin mo kung ayaw ka na niyang makita, hmmm Keandrix?" nanunuyang wika nito. "Hinding-hindi mangyayari iyon, Nicholai! At kung mangyari man iyon nakakatiyak akong may ginawa ka upang malason mo ang kanyang isipan." Nagngangalaiting sabi ni Keandrix. "Well, see it for yourself! But one