UNTI- UNTING nagkamalay si Keandrix. Bumalikwas ito nang bangon dahil nasa kwarto siya na alam niyang sa San Francisco iyon. Malutong itong napamura saka mabilis na bumaba sa kanyang kama at lumabas ng kwarto. Pabalibag niyang isinarado iyon saka nagmamadaling bumaba sa may sala. Hinanap niya ang kanyang dalawang Kuya upang komprontahin ang mga ito. Hindi naman nabigo si Keandrix dahil nakita niya ang dalawa sa may malawak na den kasama ang kanilang mga magulang. Medyo huminahon si Keandrix dahil ayaw niyang mag- alala ang kanyang Mommy lalo pa't may high blood pa naman ito. "Kumusta na ang pakiramdam mo hijo?" agad na tanong ng Ginang pagkalapit ng binata sa kinaroroonan nilang lahat. Bumuntonhininga naman si Keandrix na kina Kyle at Kristoff nakatingin. "Huwag ka ng magalit sa amin ni