Chapter-8

1114 Words
Kinagabihan nang handa na siya para makipagkita kay Jacqueline at para makapag bar silang dalawa. Madalas naman na nilang gawin ng kaibigan ang ganito, kaya hindi naman siya pinagbabawalan ng Daddy niya na sumama kay Jacqueline. Nakakauwi naman kasi sila ng safe. Pinili niyang magsuot ng black tube and black maong skinny pants and high heels. Nag curl din siya sa dulo ng kanyang buhok at naglagay ng light make up. Nagsuot din siya ng mga accessories na babagay sa kanyang outfit. Pa pout lips pa siya habang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa salamin. She is beautiful at may malakas na s*x appeal. Marami naman ang nagpaparamdam sa kanya na kabilang din sa mayayamang pamilya, pero wala siyang type ni isa sa mga iyon. Si Philex naman ang lalaking pinipilit sa kanya ng Daddy niya, paano kaibigan nito ang pamilya ni Philex at mayaman din katulad nila. Iyon nga lang hindi niya type si Philex. Pakiramdam kasi niya wala pa siyang nakikitang lalake na hihigit kay Harvey. Iyung kayang higitan ang naging damdamin niya kay Harvey noon. Kaya nga after mawala ni Harvey sa bayan nila, eh wala pa siyang naging sunod na boyfriend hanggang ngayon. Ok naman siya at hindi siya gaanong nalulungkot kahit wala siyang boyfriend, iwas na rin kasi sa sakit ng ulo sa kanya. Isama pang busy siya sa trabaho. Bago siya lumabas ng silid niya, sumilip muna siya sa may veranda kung saan natatanaw niya ang malaking swimming pool sa bahay ni Harvey. Gabi na kaya wala naman siyang makitang tao roon, kahit may maliwanag na ilaw. "Hindi mo nga ba ako kilala?' Bulong niyang tanong habang nakatitig sa mansyon ni Harvey. Napailing na lang siya ng ulo at kumilos na para lumabas ng silid at makaalis na. "Sa weekend huwag ka munang lalabas kasama ang mga kaibigan mo,' saad ng Daddy niya nang magpaalam siya rito na lalabas kasama si Jacqueline. "Ano po ang meron sa weekend? Tanong niya. "Mag papa-party ako dito sa bahay," tugon ng ama. Napakunot ang noo niya at sinulyapan ang Mommy niya na nakaupo sa sofa habang umiinom ng tea. "Darating ang mga Martinez dito sa bahay at dito sila mag di-dinner kasama si Philex. Maghanda ka, Ava,' tugon ng Daddy niya. Hindi siya nakakibo. Mukhang alam na niya kung ano ang plano ng ama. Hindi naman ito ang unang beses na ang dinner ang pamilya Martinez sa kanilang bahay. Mukhang ipipilit na talaga ng ama si Philex sa kanya. "Aalis na po ako Dad, Mom," paalam niya dahil wala naman siyang alam sabihin sa ama, matapos ang anunsyo nito sa kanya. "Mag ingat ka Ava. Huwag magpagabi masyado," saad ng Mommy niya. Tumango naman siya at lumakad na palabas ng pintuan. "Nagmamadali na si Dad, dahil sa biglang pagbabalik ni Harvey," bulong niya sa sarili at iniling ang ulo. Saka na siya lumakad patungo sa kanyang sasakyan. Alam na niya ang address ng sinasabing bar ni Jacqueline na bagong bukas, kaya doon na lang sila magkikita ng kaibigan. Matapos niyang makapag par agad na siyang pumasok sa loob ng bar. Sumalubong sa kanya ang maingay at patay, sindi na ilaw na nakakasakit sa mata niya. Maraming tao sa loob, at karamihan mga kabataan. Agad niyang hinanap ang table na sinasabi ng kaibigan kung nasaan ito at naghihintay sa kanya. Napangiti pa siya nang makita ang kaibigan na nagsisimula ng uminom kahit wala pa siya. Mahilig din kasi sa alak ang kaibigan kahit noon pa. Lumakad siya palapit sa kinauupuan ng kaibigan. May bumunggo pa nga sa kanya na isang lalake na agad namang nag sorry sa kanya. Sa dalas na niya sa bar, alam na alam na niya ang mga ganoong klase ng galawan ng mga lalake. Bubunguin ka tapos mag so-sorry at aalukin ka ng ladies drinks, hanggang sa mag kwentuhan na tayo at mag i take home ka na. "Sorry, Miss,' nakangiting paumanhin ng lalake sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga at tumango na lang rito. Hindi kasi uubra sa kanya ang style nito. Akmang tutuloy na siya sa paglalakad nang pigilan siya ng lalake sa braso. Nagulat siya kaya aga niyang winaksi ang kamay para mabawi ang kanyang braso. "Huwag mo nga akong hahawakan!" Galit niyang saad sa lalake. "Gusto ko lang naman alukin ka ng maiinom," pa cute na saad nito sa kanya. Imbes na ma cute-an siya rito para pa nga siyang nainis. "No thanks, may kasama ako," tanggi niya rito at akmang tutuloy na muli nang maramdaman na naman niya ang pagpigil ng lalake sa kanyang braso. This time mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso at sabay hila pa nito sa kanya palapit rito. Napatili siya sa pagkabigla. Mabuti na lang din at naiharang niya ang isang kamay bago pa siya masubsob sa dibdib ng lalake na hindi naman mukhang lasing, mukhang nang ti-trip na ang aga pa lang. "Bitiwan mo nga ako!" Asik niya habang pilit binabawi ang kanyang braso. "Bakit ba ang yabang mo! Sino bang pinangmamalaki mo?!" Galit nitong saad sa kanya. Sa ilang beses na siyang naka encounter ng tulad nito, ngayon pa lang siya naka encounter ng makulit na katulad ng lalaking ito. "Sabi ng bitiwan mo ko! Ano ba! Sigaw niya para na rin makakuha ng atensyon sa mga naroon at may makatulong sa kanya lalo na sa mga bouncer na naroon. Bagong bukas ang bar kaya paniguradong alerto pa ang mga bouncer sa mga nanggugulong katulad ng lalaking ito. "Ang tapang mo ah! Saad nito at akmang hahawakan ang kanyang mukha nang may isang kamay ang biglang pumigil sa kamay nito na mahawakan ang kanyang mukha. Napatingala siya at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang matangkad na lalake na agad rin niyang nakilala kahit sa malikot na ilaw roon. "Harvey," she whispered. Sinulyapan siya ni Harvey. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi siya sigurado kung narinig nito ang pagbanggit niya sa pangalan nito. "Pare, ayaw yata ng babae, huwag mo nang pilitin," saad ni Harvey sa lalake na nakatingala rin kay Harvey. Mas matangkad kasi si Harvey rito. "Sino ka ba? Bakit ka nakikiaalam?" Galit na tanong ng lalake na hawak pa rin ang kanyang braso. Nang mapansin iyon ni Harvey. Mahigpit rin nitong hinawakan ang braso ng lalake para alisin sa braso niya. Nang magawa ni Harvey na matanggal ang kamay ng lalake sa braso niya, malakas na tinulak ni Harvey ang lalake na kinabunggo nito sa mga tao roon bago bumagsak sa sahig. Napatili naman siya at napatakip ng bibig sa kanyang mga kamay. "Ayos ka lang ba Miss?" Tanong nito sa kanya nang sulyapan siya nito. Miss? Hindi na naman ba siya nito makilala? Hindi ba't nagpakilala na siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD