"Can we talk,' nagulat pa siya sa biglang pagsulpot ng Kuya Juancho niya sa pintuan ng kanyang opisina. Malayo na naman kasi ang kanyang iniisip, masyadong okupado ni Harvey ang kanyang isip.
"Kuya, sure," tugon niya sa kapatid at lumakad palapit sa may sofa para doon sila mag usap ng kapatid.
"Hindi na kita naabutan kanina sa bahay. Pagbaba ko paalis ka na,' saad niya sa kapatid.
"May hinahabol kasi ako kanina, kaya nauna na ko kay Dad umalis," tugon nito. Bente siyete na ang Kuya Juancho niya, hindi lang siya sure kung may girlfriend na ito, masyado kasi itong private pagdating sa love life nito.
"Anyway, may itatanong lang sana ako sa iyo, Ava," saad nito.
"What is it, Kuya?" She asked. May idea na siya na tungkol kay Harvey ang pag-uusapan nila. Tiyak naman na kanina sa hapag kainan naglabas na rin ng masasamang salita ang Daddy niya kay Harvey.
"About sa bago nating kapitbahay na sinasabi nina Daddy kanina," tugon nito habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi nga siya nagkamali. Si Harvey nga.
Humugot siya ng malalim na paghinga at sumandal sa kinauupuan. Napalunok pa siya habang hinihintay ang susunod na sasabihin nito.
"Nabanggit ni Daddy na si Harvey daw ang bago nating kapitbahay?" Patanong na saad nito sa kanya.
"Yes, Kuya si Harvey De Guzman nga," tugon niya sa kapatid.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng dibdib nito.
May galit ang kapatid niya kay Harvey, dahil nagkaroon sila nito ni Harvey ng relasyon behind her Kuya's back. Isama pang minor pa siya noon, seventeen lang siya at nasa legal naman na si Harvey, he is already twenty-two. Kaya nagkagulo-gulo na sila. Pero alam niyang minahal siya ni Harvey noon.
"So, nagkita kayo ni Harvey? Kinausap ka ba niya?" Tanong nito.
"Yes, Kuya. But," she answered na sadyang binitin ang sasabihin.
"But, what?" Kunot noong tanong ng kapatid.
"He doesn't know who I am," tugon niya na lalong kinakunot ng noo nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong nito.
"Hindi na niya ko kilala Kuya. Hindi niya alam kung sino ako," tugon niya sa kapatid. Napatitig ito sa kanya. Nagbukas ng bibig pero walang salitang lumabas. Marahil naguguluhan ng husto sa sinabi niya. Katulad lang din naman niya itong naguguluhan sa nangyayari.
"Paanong hindi ka niya kilala? Hindi ka ba niya pinansin? Of course galit siya sa iyo, galit siya sa pamilya natin dahil sa nangyari sa kanya," saad nito. Iniling niya ang ulo.
"No, Kuya. He doesn't know me literally," tugon niya.
"What?!" Naguguluhan tanong nito.
"Nagkita kame, nagka-usap kame, but hindi niya alam kung sino ako. He even asked my name, at kung taga sana ba ko and all that," paliwanag niya sa kapatid.
"Imposible,' saad nito habang iniiling ang ulo.
"Pero iyon ang totoo Kuya. Hindi niya ko kilala. Hindi niya ko nakilala," she said.
"Ano iyon? Nagka amnesia siya? Imposible iyon. Baka nagpapanggap lang siya na hindi ka niya kilala dahil galit siya sa iyo," saad nito.
Napakagat siya sa ibabang labi niya. Iyon din naman ang naiisip niyang dahilan na nagpapanggap lang si Harvey na hindi siya nito kilala, para saktan ang damdamin niya.
"Kilala ka niya Ava, ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpatayo ng bahay sa tabi ng bahay natin. At kung ang ikinilos niya sa harapan mo ay hindi ka daw niya kilala, well, matakot ka na kung ganon, dahil walang duda na may balak gumanti ni Harvey sa iyo, o sa buong pamilya natin," litanya ng Kuya niya sa kanya.
Iyan din naman ang iniisip niya na may agenda si Harvey sa pagtabi ng bahay nito sa kanila. Hindi ito isang coincidence lang, planado ito. At tama ang Kuya niya, na dapat ay matakot siya kay Harvey. Dahil tiyak na siya ang binabalikan nito sa San Juan para gantihan.
Nakaramdam siya ng takot para sa kanyang sarili. Pero ganoon pa man naniniwala siyang hindi siya sasaktan ni Harvey. Hindi siya kayang saktan nito.
"Kung lalapitan ka ni Harvey, lumayo ka na agad Ava. Hindi natin alam kung ano ang plano niya, baka bigla na lang siyang sumalakay at hindi ka nakahanda. Limang taon na ang lumipas, hindi na siya ang dating Harvey na nakilala natin," seryosong saad ng kapatid niya.
"And also, nagtataka ako kung paano siya yumaman ng ganoong kabilis. He is already billionaire at age of twenty-seven. Ka edaran ko lang siya, but, until now nakasandal pa rin ako sa kompanya ni Dad,' saad pa ng kapatid sa kanya.
Siya man ay nagtataka sa biglang pagbabago ng estado ng buhay ni Harvey. Pero labas na siya roon, hindi na niya dapat pang halungkatin kung paano ito yumaman ng ganoon kabilis.
"Isa lang ang payo ko sa iyo Ava, stay away from him,' seryoso pa ring saad ng kapatid.
"Yes, Kuya," tugon niya.
"And also kung lapitan ka niya. Magsabi ka agad sa akin, at ako ang haharap sa kanya para malaman kung ano ba ang kailangan niya," saad pa nito.
"Salamat Kuya,' pasalamat niya sa kapatid.
Hindi na rin nagtagal ang kapatid sa opisina niya. Lumabas na ito para magtrabaho na sila. Hindi sila sinuswelduhan ng Daddy nila para mag kwentuhan sa kompanya.
Habang busy naman siya sa mga paper works, nakatanggap siya ng tawag sa kaibigan niyang si Jacqueline.
"Yes, Jacqueline," tugon niya sa kaibigan sa kabilang linya.
"Hey! Busy ka ba tonight?" Agad na tanong ng kaibigan. Since high school magkaklase na sila ni Jacqueline at mag best friend na rin, hanggang ngayon. Hindi ito nakatira sa De La Cerna Subdivision sa katabing Subdivision lang naman ito.
"Bakit ano na naman ba ang meron?' Tanong niya habang patuloy sa pag check sa kanyang trabaho.
"May bagong bar sa kabilang bayan, at mamayang gabi ang opening," tugon nito sa kanya. Nagtaas siya ng kilay. Alam na niya ang susunod nitong sasabihin sa kanya. Yayayahin siya nitong magpunta sa bar at mag party.
Mag best friend sila ni Jacqueline pero hindi sila pareho ng hilig. Siya kasi mas gusto niyang nasa bahay lang siya at nagbabasa ng libro. Si Jacqueline naman hindi nito gustong nasa bahay lang ito. Lagi itong nasa galaan, lalo na sa mga bar para mag happy-happy, uminom at maghanap ng makaka date. Sa edad ni Jacqueline na bente dos, hindi na niya mabilang ang mga lalaking sinamahan nito, na hindi naman din nagtagal rito. Masyado kasi itong easy, bagay na hindi niya kayang sabihin sa kaibigan. Kahit papano hindi niya gustong masaktan ang damdamin nito. Sa dami na rin ng dumaan na lalaki sa kaibigan, lahat ng mga iyon ay walang seryoso, fling at enjoyment lang daw. Bagay na hindi niya kayang gawin sa kanyang sarili. May respeto siya sa kanyang sarili. Isa pa nais niyang maging virgin bride. Nais niyang maipagmalaki siya ng lalaking mapapangasawa niya. Magkaiba man sila ng kaibigan, nirerespeto naman niya anh desisyon nito at trip sa buhay at ganoon rin naman ito sa kanya.
"Medyo busy ako eh,' matamlay niyang tugon sa kaibigan. Wala kasi siya sa mood lumabas dahil na rin sa encounter nila ni Harvey.
"Ano ka ba, mayaman na kayo, hindi na kayo maghihirap habang buhay. Magpahinga din dapat kayo sa work," biro nito sa kanya.
"Pumarty ka naman paminsan-minsan,' saad pa nito.
"Ano ka ba, last week lang nag bar tayo,' saad niya rito.
"Last week pa iyon, iba iyung this week," tugon ng kaibigan. Nais niyang matawa rito.
"Sige na naman, sumama ka na para may kasama akong mag party. Para na rin may makausap kang joyly, dahil puro business minded ang mga nakakausap mo,' saad nito sa kanya.
"Isa pa ayaw mo ba ng break sa sarili mo at sa work,' dagdag pa nito sa kanya.
"Sige na, sige na. Sasama na ko para matigil ka na,' saad niya sa kaibigan.
"Iyan. Tama naman iyan. Huwag puro work, mag happenings din minsan,' saad nito.
"Oo na," she said.
"May e-enjoy ka for sure," Jacqueline said.
"Ewan ko lang," she said.
Matapos siyang mapapayag ng kaibigan nagpaalam na rin ito sa kanya. Pumayag na rin siya para malibang at may makausap. Nais niyang ma i open sa kaibigan ang tungkol sa pagkikita nila ni Harvey. Since high school pa lang magkasama na sila ni Jacqueline, alam nito ang naging relasyon nila ni Harvey noon. Sinabi pa nga ng kaibigan na masyado ng matandan si Harvey para sa kanya, dahil nga 17 lang siya at 22 na si Harvey that time. Baka daw i grooming lang siya ni Harvey since may edad na ito at mature na.
Sa sandali ng relasyon nila ni Harvey noon, ay wala siyang nakitang nais lang siyang i groom ni Harvey. Pure love, innocent love, and happiness ang naramdaman niya sa pagsasama nila ni Harvey noon, sayang nga lang at tinutulan ng pamilya niya, lalo na ng Daddy niya.
"Bakit ko pa ba iniisip ang nakaraan. Limang taon na ang nakalipas. Hindi na nga siya maalala pa ni Harvey, kaya dapat lang na mag move on na siya at huwag nang isipin pa si Harvey. Past is pasta.