Chapter-5

1054 Words
"Do you live near here?" Harvey asked her. Napatitig siya sa mga mata ni Harvey na nakatingin sa kanya. Nagtataka siya kung bakit ganito ang tanong nito sa kanya. Hindi ba siya nito nakikilala? "Yeah, dito lang sa kabilang bahay," tugon niya kay Harvey. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang kabang nararamdaman. Malakas ang bawat kabog ng kanyang dibdib. Mabilis na mabilis rin ang t***k ng kanyang puso na para bang nasa isang marathon siya. Pamilyar na sa kanya ang ganitong pakiramdam, dahil ganito rin ang nararamdaman niya noon sa tuwing natatanaw niya si Harvey. Hindi na bago sa kanya ang ganitong pakiramdam. Iyon nga lang limang taon ang nakalipas mula nang magkahiwalay sila ni Harvey at bigla na lang nawala si Harvey sa bayan ng San Juan. Dapat lang na hindi na ganito ang nararamdaman niya ngayon kay Harvey. Pero bakit same pa rin. Bakit walang pinagbago, kahit limang taon na ang lumipas at marami ng nagbago. Tumango-tango si Harvey sa kanya saka ito uminom ng sa hawak nitong kopita. Wine ang iniabot nito sa kanya kanina at ito naman mukhang hard drink ang iniinom. "Why are you here? Marami ka yatang bisita," saad niya. "Yeah, kaya lang may pumukaw kasi sa atensyon ko banda rito," tugon nito sa kanya at ngumiti ng bahagya. This is Harvey De Guzman. This is him literally. Ganitong-ganito ang ngiti ni Harvey pag medyo nahihiya ito sa kanya. But why hindi siya nito makilala? "Ano naman iyon?" Pa inosenteng tanong niya rito. "You," agad nitong tugon sa kanya. "Me?' She asked at tinuro pa ang kanyang sarili. "Yes, Miss Beautiful," Harvey said. Biglang nag iba ang mukha niya sa pag tawag na naman nito sa kanya ng Miss. Hindi ba talaga siya nito nakikilala? Anong palabas nito. Imposibleng hindi siya makilala ni Harvey, may malalim silang pinagsamahan noon. Oo matagal na ang lumipas, pero hindi naman ganun lang kadali makakalimutan iyon. Lalo na ang taong involved. "Can I know your name, Miss Beautiful," saad pa nito sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Humugot siya ng malalim na paghinga saka sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang labi. Hindi niya naiwasang masaktan sa kinikilos ni Harvey ngayon sa kanyang harapan. Kung alam lang nito na abuong buhay niya dinarasal niyang sana magbalik itong muli sa kanilang bayan at mag krus muli ang kanilang mga landas. At sana magkaroon pa ng second chance ang kanilang nasirang pag-iibigan. Bumalik nga ito, pero bakit parang ibang tao na ito ngayon? "I'm, Ava. Ava Castillo,' pakilala niya kay Harvey kahit masakita sa kanya. "What a beautiful name, Ava. Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo. Napakaganda at napakaganda mo," puri nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga at nagtaas ang mukha. Para kasing pinagtitripan lang siya ni Harvey. Mukhang hindi naman totoo na hindi siya nito kilala. Napaka imposible. "Ano ba ang laro mo Harvey?" Taas kilay niyang tanong rito. Hindi na niya tinago ang inis rito. "Pinaglalaruan mo ba ko?' Patuloy niya habang hindi inaalis ang mga mata rito. "What? What do you mean Miss Ava?' Tanong nito sa kanya na tila ba ito naguguluhan. Bakit ba kung makaarte ito parang totoo. Iniling niya ang ulo at humugot ng malalim na paghinga. Hindi na niya kaya pa ang tagpong ito. Hindi ganitong tagpo ang inaasahan niya sa kanila ni Harvey. Ramdam niya ang pamumuho ng luha sa kanyang mga mata. Hindi na dapat pang makita ni Harvey ang kanyang pagluha. "Excuse me,' saad niya at mabilis na lumakad para makalayo na rito, bago pa siya tuluyang maiyak sa harapan nito. Nagulat na lamang siya nang makalayo na siya ay bigla niyang naramdaman ang kamay ni Harvey sa kanyang braso. Sinundan pala siya nito. Nakaramdam siya ng kakaibang init at tila kuryenteng gumapang sa kanyang buong katawan sa pagkakahawak ni Harvey sa kanyang braso. Ganito rin ang nararamdaman niya noon sa tuwing hahaplusin siya nito. "What's wrong, Ava?" Inosenteng tanong nito sa kanya. Puno ng tanong ang mga mata nito na para bang naguguluhan talaga ito sa kanyang kinikilos. Sasagot na sana siya nang bigla namang dumating ang babaing kasama ni Harvey kanina na tumawag pang babe rito kanina. "Harvey, anong nangyayari diyan?" Tanong ng babae na palapit na sa kinatatayuan nila ni Harvey. "Bitiwan mo ko!' Asik niya kay Harvey sabay hila sa braso niya rito. Nagawa naman niyang mabawi ang kanyang braso at masamang tingin ang pinukol kay Harvey na nanatiling nakatingin sa kanya na hindi nagbabago ang ekspresyon na tila ba naguguluhan sa kanyang kinikilos. "Harvey! Sino ba iyang kasama mo?' Narinig niyang tanong ng babae na malapit na sa kinatatayuan nila. "Huwag mo kong susundan!" Mariing saad niya kay Harvey at mabilis na siyang lumakad palayo rito. Halos tumakbo na siya para lang makalayo na kay Harvey. Para na kasing sasabog ang kanyang dibdib sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. "Ate Ava, saan ka galing? Bakit ka tumatakbo?" Tanong ni Avie na nakasalubong niya. "Wala. Pakisabi kina Mommy at Daddy mauna na kong uuwi,' tugon niya sa kapatid. "Pero Ate baka-" "Sabihin mo sumama ang pakiramdam ko," putol niya sa sasabihin pa ng kapatid. Bago pa siya nito mapigilan nagpatuloy na siya sa mabilis na paglalakad palayo para makaalis na siya sa bahay na iyon. Dahil na rin sa lawak ng bakuran mahaba ang kanyang linakad patungo sa gate palabas. Paglabas niya ng gate naglakad pa siya pauwi sa bahay nila. Kaya naman halos hindi na siya makahakbang pa nang makarating sa bahay nila. Hinihingal na siya at kumakapit na lamang sa hawakan ng hagdan habang paakyat siya. Hindi na rin niya nagawang pigilan ang kanyang luha na sunud-sunod na bumagsak. Pagdating sa kanyang silid. Agad siyang dumapa sa kanyang kama at doon humagulgol ng iyak. Masakit sa kanya na ang lalaking unang minahal niya ay hindi na siya nito kilala pa. Habang siya naghihintay at umaasa pa sa lalaking mahal niya, hindi naman na pala siya nito kilala pa. Isa na pala siyang estranghera rito. Habang siya hindi ito nawala sa kanyang isipan kailanman. Parang doble ang sakit niyang naramdaman ngayon. Parang mas nasaktan siya ngayon kesa noong iwan siya ni Harvey. "Bakit pa kasi naging kapitbahay pa kita, tapos sasabihin mo sa akin na hindi mo ko kilala! F*ck you Harvey!" Galit niyang hiyaw habang walang tigil ang kanyang luha sa pagpatak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD