Nanginginig ang kanyang tuhod nang lumabas siya ng bahay, agad niyang hinanap ang pamilya niya na tiyak na makikilala agad ang lalaki pag nakita ito. Hindi siya pwedeng magkamali. Si Harvey ang lalaking iyon, kung ano ang ginagawa nito sa bahay na ito ay hindi niya alam. Sa uri ng kasuotan ni Harvey na nakita niya kanina, naniniwala siyang hindi ito driver lang. Marahil guest ito ng may-ari ng bahay.
"Ate saan ka ba galing. Lumabas na daw ang may-ari ng bahay," saad sa kanya ni Avie nang lapitan ang kapatid. Agad rin niyang sinulyapan ang Mommy at Daddy niya sa di kalayuan na busy sa pagtingin sa may gitna ng pool area kung saan naroon ang host ng party at sinisimulan ng ipakilala ang may-ari ng bahay.
"Diyan lang," tanging tugon niya sa kapatid habang ginagala ang mga mata sa paligid para makita muli ang lalaking iyon na hinala niyang si Harvey De Guzman.
Nagulat na lamang siya at nakiramdam niya huminto ang kanyang paghinga nang banggitin ng host ang pangalan ng may-ari ng bahay na siyang nag invite sa kanila roon.
"Let's welcome, Mr. Harvey De Guzman," masiglang saad ng host na tila dumagundong sa kanyang tenga.
Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at tinutok ang mga mata sa may pool area para makita ang lalaking tinawag ng host.
"Tama ba ang narinig ko Ate, Harvey De Guzman?" Tanong ni Avie sa kanya. Hindi niya pinansin ang kapatid. Focus siya sa may pool area para masigurado niyang ang Harvey De Guzman na iyon ay ang lalaking nakita niya kanina sa loob ng bahay.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang lalaking nakangiti at kumaway pa sa mga taong naroon na naghihintay rito. Si Harvey De Guzman nga ang lalaking unang minahal niya noong teenager siya. Pero bakit ito nagbalik ng San Juan? Bakit sa mismong katabi pa ng bahay nila? Anong dahilan nito? Anong agenda niya?
Mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan habang walang kurap siyang nakatingin kay Harvey na nakangiti habang pinakikilala ang sarili nito sa mga bisita.
Napalunok siya at naramdaman ang pamumuho ng luha na agad niyang pinunasan bago pa man tumulo. Hindi siya dapat umiyak. Tapos na sila.
"Ava," narinig niya ang tawag sa kanya ng ama na hindi niya namalayan na nasa tabi na niya ito.
"Si Harvey De Guzman ang may-ari ng bahay na ito. May alam ka ba sa kanyang pagbabalik dito sa San Juan?' Tanong ng kanyang ama.
"Wala po Dad," agad niyang tugon. Wala naman talaga. Kung nagulat ito sa biglang pagbabalik ni Harvey sa bayan nila mas nagulat siya.
"I can't believe this. Paano siya naging ganito kayaman sa loob lamang ng limang taon," narinig niyang saad ng Mommh niya.
"Iyan din ang iniisip ko. Lalo na siya rin daw ang nagmamay-ari sa sa malaking mall sa kabilang bayan," saad ng Daddy niya.
Humugot siya ng malalim na paghinga at muling sinulyapan si Harvey na nag we-welcome pa rin sa mga guest nito.
Nakangiti ito, puno ng buhay at napaka aliwalas ng mukha nito. Walang pinagbago, katulad pa rin ito ng dati. Gwapo at sadyang may malakas na appeal. Walang nagbago kay Harvey, maliban sa hindi na ito isang mahirap lang ngayon, dahil isa na itong bilyonaryo. Kung paano nangyari iyon, wala siyang idea at labas na siya roon.
"Paano mo siya maaalok na mag invest sa iyo iyan eh tiyak na galit pa rin sa iyo ang batang iyan dahil pinabugbog mo siya noon," narinig niyanh saad ng Mommy niya sa ama.
"Huwag natin dito pag-usapan iyan!" Agad na saway ng Daddy niya at sinulyapan siya.
Hindi siya kumibo at mabilis na tumalikod para umiwas na lang sa mga magulang.
"Ate saan ka pupunta?' Habol sa kanya ni Avie.
Hindi niya pinansin ang kapatid at nagpatuloy sa paglalakad. Uuwi na sana siya pero biglang nagbago ang kanyang isip kaya lumakad na lamang siya palayo sa mga tao. Nais muna niyang mapag isa para makapag isip.
Nagtataka siya dahil parang hindi naman siya nakilala ni Harvey kanina nang magkita sila sa loob ng bahay. Miss ang tinawag nito sa kanya, kahit na nagkalapit naman sila at nagkatinginan. Agad nga niya itong nakilala kahit limang taon na ang nakalipas. Pero bakit siya parang hindi man siya nito nakilala.
"Bakit nga ba?" Bulong niyang tanong sa sarili at naupo sa may gazebo na naroon.
Mula sa kanyang kinauupuan rinig pa rin niya ang musika at mga tawanan ng ilang guest. Ok na iyon kesa sa marinig niya ang pagtatalo ng kanyang mga magulang.
Humugot siya ng malalim na paghinga habang nakatitig sa mga rosas na nasa malapit sa gazebo.
"Hindi na ba niya ko kilala?" Tanong niya sa sarili.
"Ganoon na lang ba niya ko kadaling nakalimutan? Limang taon pa lang naman ang lumipas," bulong niya sa sarili.
Hindi niya maiwasang malungkot at masaktan. Although hindi naman na siya umasa pang magkikita silang muli ni Harvey makalipas ang limang taon. Mula nang mawala kasi si Harvey sa bayan nila, wala na siyang balita rito kung ano na ang nangyari rito. At natutuwa siya dahil napalago nito ang sarili nito. Hindi na ito mamaliitin ng kahit na sino ngayon, dahil isa na itong bilyonaryo. Titingalain na ito ng mga tao, lalo na ang mga tao sa bayan ng San Juan na minsan ang hinusgaan ito at minaliit.
"Kahit na mukhang hindi mo ba ko kilala Harvey, masaya pa rin ako sa narating mo," bulong niya sa sarili.
Pinikit niya ang mga mata at hindi maiwasan na maalala ang kanilang nakaraan ni Harvey. Limang taon man ang lumipas, malinaw at buo pa rin ang ala-ala niya sa lalaking una niyang minahal.
"Bakit narito ka? Ayaw mo ba sa party?"
Nagbukas siya ng mga mata nang marinig ang tinig ng lalake. Muli na naman siyang nagulat at nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ito. Si Harvey.
"For you," saad pa nito at iniabot sa kanya ang isang glass na may lamang wine. Wala sa loob niyang tinanggap iyon.
"Sa... Salamat," utal niyang pasalamat kay Harvey.