28 Hanz left early, pero ang nasa isip niya ay si Rain. Tinawagan sya kaagad ni Belinda para sa urgent meeting niya with the proposed unit buyers of the newest Luxury Heights condominium, Elizares Realties raised. Isa pa ay bibisita sya roon nang personal. He also has to meet Arra and his ex girlfriend, na pupunta raw sa office niya sabi ng ina kahapon nang makita sila sa parking lot. Hindi pa nya sana gustong umalis sa bahay pero napilitan naman sya. Baka pag-uwi niya wala na roon ang Rain nya. Ngayon na lalaya ang ama nito at sigurado pupunta iyon nang maaga sa kulungan. Sumandal sya sa headrest habang nililikot ang ballpen sa mga daliri niya. Parang wala syang naririnig na nagsasalita sa unahan dahil naiwan nya yata sa kwarto nilang mag-asawa ang tainga at utak niya. He can't get m