29 Kanina pa nakatingin si Hanz sa hawak niyang aparato. Gustung-gusto na niyang tawagan ang number ni Rain, na kinuha niya kanina sa Mommy niya bago sya umalis ng bahay papuntang office pero pinipigil niya ang sarili. Alam niyang sa mga oras na iyon ay kasama na nito ang totoong ama at iniiwasan niya na mabosesan ang lalaking yun na walang kasing kapal ang mukha. Though that man not a hindrance for him to love Rain, ayaw lang niya talaga sa tao na yun kahit na anong gawin. At hindi naman porke't ayaw niya sa ex convict na yun eh ayaw na rin nya sa asawa niya. He loves her but he just can't love the man who once denied his wife and almost fooled his mother. Nang hindi sya makatiis ay pumihit sya para utusan si Belinda. Hinawakan niya sa braso ang babae kaya napatigil ito sa paglalakad