14 Hila-hila ni Rain ang bagahe niya paglabas niya ng kwarto, at kung kailan naman siya umiiwas kay Hanz ay saka naman nagkasabay pa sila. Lumabas din kasi ito sa kwarto. Nagkatinginan pa sila pero tulad ng dati ay blanko pa rin ang facial expression nito. She did a mental eye roll bago ito nilayasan kahit na ang bigat ng luggage niya. Nagulat na lang sya nang may umagaw niyon sa kanya mula sa likuran at walang sabi sabing binitbit iyon pababa ng hagdan. She was stunned for a while at kahit gusto niyang sawayin ang sarili ay parang pumipitik na naman ng sobra sa bilang ang puso niya. Kagabi lang nag-away sila kaya napilitan itong magpadala ng pagkain sa kanya sa kwarto. Tapos ngayon parang wala lang nangyari kung makaasta. At times he's good, at times he's certainly not. Maloloka s