15 "Mommy!" kaagad na napayakap si Rain sa mommy Alex nya nang salubungin sya nito sa labas ng mansion pagdating niya. Nakangiti na kaagad ito sa kanya at ang higpit-higpit ng yakap pabalik, tapos ay tiningnan ang mukha niya. Mukhang alam na talaga nito na uuwi na sya. Baka tinawagan na ni Hanz kaya naimporma na. Kung ganito na makokontrol ng lalaking yun ang lahat baka mas madalas na syang sumama sa totoo niyang tatay kapag nakalaya iyon, para malayo na rin sya sa tukso na mahalin pa ang diktador na yun. "You look more beautiful. Okay ka ba roon?" Alex smiled widely while looking at her face. Tumango na lang sya. Alangan naman na sabihin niya na masungit si Hanz. Asan namang kapal ng mukha niya na sabihin yun sa mga magulang nito? Dumako ang mga mata niya sa loob ng bahay. "