Sixteen Tipsy na si Rain nang umuwi galing sa bar. Pagka galing sa office kahit wala pa siyang pahinga ay nagpaalam siya kaagad sa mga adopted niya na maglilibang. Paano naman niya napapayag ang adopted parents niya na lumarga siya kanina sa kabila ng takot ng mga iyon na kung ano na naman masaksihan niya? Kinulit nya ang adopted cousin niyang si SJ na samahan sya. Wala naman maasahan na iba eh, ang kuya SJ lang niya ang may hilig sa ganoon kaya bodyguard ang labas ng playboy na yun. "Sandi, you're drunk," salubong ng Mommy Alex niya sa kanya at nakuha pa syang alalayan mula sa pagkakaalalay ng kuya SJ niya. "No worry Tita Mommy, panis ang alak kay Sandi," pangisi ngisi na sabi ng lalaki, na hindi naman nagpakalasing dahil nga raw magda drive pauwi. Responsable naman pala ang playboy