17 "Dad, Mom. Let's talk," di na nakapaghintay pa si Hanz na kausapin ang mga magulang niya. Kanina nang ihatid niya si Arra sa guest room at sinaglitan na rin niya ang marriage contract na ipinagawa niya kay Attorney, na pirmado na ng huwes. Nakakatawa dahil nauna pa ang huwes kesa sa mga ikakasal. He signed it, kanina pa. Isang pirma na lang ang kulang at yun ay kay Rain na lang. Nagkatinginan pa ang mga magulang niya bago sumunod sa kanya sa mini office nila. Today's the start of him being the boss again. At batay sa nakikita niyang sitwasyon na ang mga magulang niya ang naghihintay ng isang discussion at sya ang lecturer, walang duda na ang dalawang taong batang Hanz na bossy noon ay totoo ng boss ngayon. "Do you think six years is long enough to prove that I'm a changed man?