37 Kung dati ay hinahabol ng tingin si Rain dahil sa kagandahan at kaseksihan, ngayon ay iba, hinahabol sya ng tingin nang pumasok siya sa Elizares Realties dahil sa hitsura niya parang nakipag giyera. She doesn't have time to fix herself. Lagpas na ng alas otso at pagkatapos niyang magpakita sa asawa niya at didiretso naman siya sa office niya sa Mall. Hindi pa man lang ay parang mamamatay na sya. Kaya ba niya na pagsabayin ang dalawang trabahong may kabigatan talaga? She tried to call Hanz but there's no answer, kaya nagmadali syang makarating sa building para makita na ang asawa niya. Mabawasan man lang ang stress. Ang Mommy Alex niya ang nakausap niya habang nagmamaneho sya kanina at wala syang ikinuwento na kahit na ano. Hindi na sya bata para magsumbong pa. Malaki na sya at kaya na