38 "Magkano ang komisyon ko kapag nagpapapinta na ako sa'yo? Malaki ang gusto ko at hatian tayo. Bayad kaagad kahit hindi pa sold out. The moment na nagpose ako dapat nasakin na ang pera," prangkang sabi ni Rain sa kaklaseng si Radley habang nag-uusap sila sa loob ng gallery niyon, somewhere in Makati. Tigalgal ang pintor sa presensya niya at mas lalo ata sa sinabi niya. Kaklase niya si Radley simula kinder hanggang high school at magkaibigan din sila kahit paano. Majorette sya, ito naman conductor ng DDLCsa eskwelahan nila. Yun lang ay may gusto sa kanya ang lalaki pero very sport naman dahil kaibigan pa rin ang tingin sa kanya kahit na binasted niya ito ng makailang beses, at sinabi niyang si Hanz ang gusto niya. Medyo hindi pa kaagad nakasagot ang lalaki sa sinabi niya. Malamang hin