39 Nakasimangot si Hanz nang pumasok ulit siya sa building ng E. Realties. Ang diretso niya ay sa Head ng Sales Personel na si Tanny. "Tanny!" kaagad nitong itinulak ang pinto at nagulat pa ang may edad na lalaki habang nakaupo sa silya at may binabasang papel. Napatayo kaagad ang lalaki nang makita siya, "Yes Mr. CEO? Napasyal po kayo?" nakangiting sabi ng lalaki kay Hanz pero walang kangiti-ngiti ang isa. "I want you to cancel the bidding for the townhouse at White Plains. Mark it as sold. How much is the highest bid?" salubong pa rin ang mga kilay niya habang nagsasalita. Nakapameywang pa siya sa harap ng sales personnel. "Last bid was yesterday at 13 Million pesos, sir." ani Tanny kay Hanz. "Okay then. Mark it as sold. I'll pay 13.5 Million pesos. Fix the papers and name the dee