Chapter 51 INILAGAY ni Marco ang phone niya sa bag at lumapit doon. Na-shock ang babae matapos makitang parang mga kurtina lang na kinalas ni Marco iyong mga nakapako na kahoy. "Wala kami nakita na kahit ano sa ibaba. Ano ba kasi hinahanap natin?" tanong ni Claude na nagkakamot sa ulo na lumapit kay Marco at Higanbana. "Meron daanan dito." Sumiksik si Clover at gamit ang phone inilawan niya ang loob ng butas. "Walang hagdan. Mataas ito," ani ni Clover na nakalusot ang halos kalahati ng katawan. "Papasok ako. Maghanap kayo ng hagdan or tali na pwede daanan para makabalik," ani ni Marco since hindi sila sure kung ano meron doon. "Sama ako!" Itinaas ng babae ang kamay. Napa-pokerface si Marco sinabi na hindi. Inilusot ni Marco ang kalahati ng katawan at balewalang bumitaw. Nakabab