Chapter 52 "Marco, wait— may naapakan yata ako," ani ni Higanbana. Napatigil si Marco sa paglalakad. Nawala phone niya 'nong bumagsak siya kanina. "Wait." Hinawakan ni Marco braso ni Higanbana then lumuhod. "Titingnan ko," ani ni Marco. Nahawakan ni Marco ang sahig then ang sapatos ni Higanbana. May nakasabit sa paa ni Higanbana— parang strap iyon ng bag. Napatigil ang lalaki dahil malapit sa strap ng bag meron ulo. Nahawakan ni Marco ang buhok at mukha nito. Nabawi ng lalaki ang kamay. "Sumakay ka na lang sa likod ko Higan. Marami nakaharang," ani ni Marco bago tumalikod at hinila ang amay ng babae dahilan para mapapatong sa likod ni Marco si Higanbana. Lingid sa kaalaman ni Marco alam ni Higanbana na mga katawan ng tao ang nakakalat sa dinadaanan nila. Ang reason bakit tinawa