Chapter 43 3rd Person's POV "Hailey, nandito ka din pala." Dumating si Messiah. Nakita niya sa isang table iyong dalawa. Tumawa si Messiah at sinabing bukas baka magsara na ang shop na iyon. Inubos ng dalawa ang stock. "Ang sarap ng cake niyo dito. Pa-wrap ako ng isang box. Gusto ko ipatikim sa mag-ama ko," ani ni Hailey. Itinaas nito ang kamay. Tinawag ni Messiah ang manager at inalalayan si Eira na tumayo. "Baka sumakit tiyan mo mamaya. Ang dami mong kinain na sweet," ani ni Messiah at kumuha ng tissue. Pinunasan ni Messiah ang labi ni Eira. "Pwede ba tama na ang sermon Von. Sumasakit lang ang ulo ko kasesermon mo. For god's sake." Pumasok din si Cairo. Naka-cap ito at facemask. Salubong ang kilay at iritable. Lumingon si Hailey. Lumiwanag ang mukha ng babae at tumayo. "Cairo