Chapter 44 3rd Person's POV "Lolo." Napatigil si Marcus at lumingon. Nakita niya si Eira. Sinabi ni Marcus na malamig sa labas. "Buntis ka," ani ni Marcus. Ibinigay ng matanda ang coat niya sa babae na agad naman kinuha ni Eira. Isinuot niya iyon. Mukha tuloy siyang hanger. Masyado iyon malaki. Umupo si Eira sa swing na nasa garden. Tinanong ni Eira bakit tahimik ang matanda. "Hindi ka ba masaya lolo na nakita mo na kapatid mo?" Step sister ni Mark at Marcus. Anak ng step mother nila sa unang asawa si Edith. 3 year old ito noong mapunta sa puder nila. Inalagaan ito ni Marcus at pinotrektahan sa kakambal. "Pakiramdam ko kasi lahat ng nangyayari na ito kasalanan ko. Nakulong si Edith, maraming tao tinapakan si Mark, nabulag ang asawa ko, lumaki si Michael na malayo ang loob sa ak