“Ganyan talaga si Mama at matagal na siyang naghahangad na magkaroon ng anak na babae,” sagot sa akin ni Max matapos kong ikwento ang tungkol sa mga pinamili ni Mama para sa akin. Hindi ko alam kung magagamit ko ba ang lahat ng iyon at nagpabili pa siya ulit ng isa pang cabinet para sa mga damit na iyon. “Gagamitin ko na lahat ng ito para sa buong taon. Sana hindi na dagdagan pa ni Mama,” sambit ko sa kanya tapos ay sabay kaming nagtawanan. Hinigit ni Max ang baywang ko habang hawak ko ang isang puting dress tapos ay pinaupo niya ako sa kanyang hita. “Nga pala, magta-training ulit ako kasama si Lotus,” sabi ko kay Max at agad sumama ang kanyang itsura. Kumunot ang kanyang noo tapos ay tinitigan ako ng mariin. “Anong training? Bakit kay Lotus pa?” sambit niya na may halong pagkainis t