Nagpatuloy lang sila sa pag-uusap at hindi na ako nakisali pa sa usapan nila dahil wala naman akong alam sa fashion at sa kung sino man ang nagiging tema ng kanilang usapan ay hindi ko rin naman kilala. “Eva, wala ka bang gustong damit?” tanong ni Mama sa akin at umiling na lang ako. “Hindi ko po talaga hilig ang mag-suot ng ganitong klase ng mga damit,” tugon ko kay Mama at umismid na lang siya sa akin at kumuha ng ilang mga damit saka sinukat sa aking harapan. Hinayaan ko na lang siya dahil sa tingin ko, kahit sabihin kong hindi ko gusto ang ganito ay pipilitin niya pa rin akong kumuha ng damit. “Kid, maglabas ka ng mga damit below fifty thousand pesos, please?” utos ni Mama at niyaya niya kami papunta sa isang pwesto para sa request ni Mama. Maraming magagandang damit ang naka-dis