Nabawasan ang dinadala ko dahil sa ginawa ni Heidee pero pagdating ko sa bahay, nagulat ako ng nasa kandungan ni Maximillian si Maddox at tuwang-tuwa itong nakikipag-usap sa kanya. “Oh, nandyan na pala Mama niyo,” sabi niya at agad naman tumayo ang kambal saka ako niyakap ng mahigpit. Nakita ko rin na masaya si Max at nilalaro ang kotseng laruan ni Maddox. Dahan-dahan naman tumayo si Maximillian at lumapit sa akin. “Gusto ko lang talaga makilala ang mga apo ko, pagpasensyahan mo na at di ko na napigilan,” sabi niya sa akin at tumango ako saka umupo na sa sofa. Bumalik ang kambal sa pakikipaglaro sa kanya at hinayaan ko lang iyon. Hindi ko naman pinagdadamot sa kanya ang mga anak ko pero sana ay daanin niya sa maayos na paraan. “Bakit hindi kayo mamasyal sa bahay bukas? Saktong weeken