“Payag ho kayo na maikasal ako kay Max?” tanong ko kay Maximillian at tumango siya tapos ay pinakita sa akin ang isang papeles kung saan nakasulat ang lahat ng schedule tungkol sa kasal. Isang linggo na lang ang natitirang araw para mangyari ang kasal na iyon. “Oo, ayaw mo ba? Hindi ko gustong apelyido mo ang dinadala ng mga apo ko. Huwag mo sana masamain pero mas maigi kung nakapangalan ito sa kanilang ama,” sagot ni Maximillian sa akin at nakaramdam ako ng pagkainis. Ang buong akala ko ay tanggap niya ako bilang pamilya pero ang mga anak ko lang pala ang habol niya. “Pag-iisipan ko. Hindi pa ako handa maging parte ng pamilya niyo at masaya naman kami ng anak niyo kahit hindi kami kasal,” matabang kong sagot sa kanya at nagbago agad ang kanyang ekspresyon. Alam kong hindi maganda sa k