Hindi naging madali ang mga unang araw nang pananatili ni Max sa bahay dahil sa pag-aasal bata niya. Ayon sa kanyang doktor, nagkaroon ng Regression sa kaisipan si Max dahil sa trauma. Wala pa rin nakakaalam sa tunay na nangyari kung paano nakaligtas si Max pero hindi na iyon mahalaga pa sa akin. Ang mahalaga ay kasama namin siya at buong-buo na kami. Nagpapasalamat rin ako sa aking mga anak dahil matured silang mag-isip. Hindi ako nahirapan sa kanila nang tanggapin nila ako bilang kanilang magulang. Kasalukuyan lang kaming nandito sa bahay at nakalaro nila si Max. Pakiramdam ko ay naging tatlo agad ang anak ko dahil mas isip-bata pa siya kaysa sa kanyang mga anak. Hindi naman ako nahirapan dahil palagi akong inaalalayan nila Lotus. Ako na kasi ang humaharap sa mga naiwanan niyang nego