Kinabukasan ay binulabog ng malakas na sigawan ang bahay ni Ichigo. Agad kaming lumabas ng kwarto at nakita namin ang isang lalaking gusgusin. Natatabunan ng kanyang magulong buhok ang mukha niya at nababalot ng kanyang masangsang na amoy ang buong sala. Nakatayo sa likod nito ang dalawang guard at pilit siyang pinapaalis. Ang mga katulong naman ay hindi magawang lumapit sa kanya at nakatakip pa ang mga ilong nito. “Asan Eva? K-kailangan ko Eva!” sigaw ng lalaki at nagpaikot-ikot ito sa sala. Nakaramdam ako ng awa dahil sa nangyayari sa kanya at hindi ko na inisip kung papaano siya nakapasok. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila pero may sapat pa ring layo sa lalaking ito. “Eva! Ikaw ba Eva?” sigaw nito at tumakbo papalapit sa akin pero agad humarang ang mga bodyguard. Pilit na kumawala