Matapos may mangyari sa amin ay agad na bumalik sa meeting si Max ngunit hindi niya na talaga ko pinaalis pa. Dahil na rin sa pagod ay nanatili na lang ako sa kwarto at nagpahinga. Pagkagising ko, nasa kwarto na si Max at naghahanda ng miryenda namin. Nakita ko siyang palingon sa akin kaya naman agad akong pumikit at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Nagkunyari akong tulog at naramdaman kong hinahaplos ni Max ang aking mukha. Gusto ko man gumalaw ay mas pinili kong tulog hanggang sa marinig ko siyang nagsasalita. “Sana matagal na kitang nilapitan kung alam ko lang na makakasama kita. Noon pa sana ako naging masaya,” bulong niya at labis akong nagtaka dahil sa narinig ko ang paghikbi niya. Hindi na ako nakatiis pa kaya naman nagmulat na ako ng aking mata at nakita kong namumula ang