Nagulat din ako sa nagawa kong iyon. Hindi ko akalain na magagawa kong buhatin si Max sa isang iglap. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakaupo at nakahawak ang kanyang kamay sa tiyan. “I’m sorry talaga!” mahina kong bulong sa kanya at umupo ako sa harapan niya para tingnan ang kalagayan niya. Gumuguhin pa rin sa kanyang mukha ang sakit ng mga sandaling iyon. “Ayos lang. Alam ko naman na may ganyan kang talent,” sagot niya sa akin. Hindi talaga ako makapaniwala na kaya kong gawin ang bagay na iyon pero bakit alam ni Max ang tungkol dito? Umayos ng pagkakaupo si Max at muli siyang naglagay ng pagkain sa kanyang plato. Umayos na rin ako at bumalik sa aking pwesto tapos ay pinagmasdan ko na lang siyang kumain. “May meeting kami mamaya, kung gusto mo, sumama ka na. Ang pag-uusapan namin