Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon, ribbon cutting na agad para sa unang pwesto ng clothing line ko sa loob ng isang kilalang mall. Malapit ang kinuha naming pwesto sa kung nasaan ang stall nila Kristina para isagawa ang aming pakikipag-kompetensya. Kaunti lang kaming nasa event na ito at ang mga mahahalagang investors lamang ang pinapunta ni Max. Kasama ang mga magulang niya at sila Tanya tapos ay ang kanilang mga asawa at magulang na rin ay nasa event na ito. Huminto muna ako habang hawak ang gunting at nakatingin sa photographer na ni-rentahan ni Max. Nang sumenyas na siya ay agad ko ng ginupit ang dalawang bahagi ng ribbon at nagpalakpakan ang mga taong imbitado. Nagpasalamat ako sa mga taong nagpunta sa event na ito at agad kong pinaayos ang catering na pinahanda ko sa loob