Naging maayos naman ang unang buwan namin at nagkaroon na kami ng isang matibay na plano. Nakatayo si Heidee sa labas ng kompanya ni Kristina para makipag-meeting dito. Maswerte kami dahil hindi na natatandaan pa ni Kristina si Heidee at nakailang pag-uusap na sila bago magkaroon ng pormal na negosasyon sa aming negosyo. “Ang ibig mong sabihin, hindi ikaw mismo ang may-ari ng kompanya?” tanong ni Kristina sa kanya. Naririnig namin ang lahat ng usapan nila dahil sa nilagay namin listening device. “Yes. Representative lang talaga ako ng Out Lantis Corporation,” sagot ni Heidee at tumikhim lamang si Kristina bilang kanyang sagot. “Sino ang tunay na mag-ari nito?” aniya ni Kristina. “Hindi ko maaaring sabihin,” biglaang sagot ni Heidee sa kanya at hindi na nagkaroon pa ng tanong si Kri